Cayetano, Deadma sa Rape Case ng Isang Kababayan sa India?

Dear Secretary Cayetano,

Wala na po ba talagang magawang matino? After kapalpakan sa Kuwait, meron na namang bago.

Ayun sa report may nagahasa na anak ng isang diplomat sa India na lumapit sa yo at sa opisina mo.

Nangyari to sa anak ng kababayan natin. Halos hirap ang ama sa pagkwento kung paano binaboy ang anak niya.

Nagsumbong sa iyo ang ina ng bata. Kasi empleyado sya ng DFA eh. Naka ilang sulat sya. Pero hindi man lang inintidi ng opisina niyo.

Nabalita na sa India ang nangyari. Tapos ikaw at ang opisina niyo deadma pa din?

Kahit man lang legal help or medical help hindi niyo sila natulungan? Tama ang hinaing ng ama ng bata.

Kung sila na nagtatrabaho sa office niyo, hindi niyo matulungan, paano pa ang ordinaryong OFW.

Alam mo kung ano ang trauma ng nagahasa. Pero tinalikuran mo sila. Mas lalo mo pa silang ginipit. Kasi alam mo na naman na may kaso silang sinampa, pero ang ginawa mong solution ay irecall ang empleyado mo, instead na tulungan. Nakiusap yung tao na wag muna kasi nag aaral ang mga anak niya. Sinulatan kayo.

Pero hindi niyo pinagbigyan. Hindi kayo naawa sa pamilya. Talagang pinauwi ninyo.

Secretary Cayetano, ginahasa ang bata. Sabi ng ama “ginawang parang aso” ang anak niya. Hindi niyo man lang nabigyan ng ayuda? Paano pa kayo nakakatulog sa gabi?

Pag sa Intsik, mabilis pa kayo sa alas kuwatro magtanggol, pero sa mga Pilipino hindi niyo magawa?

Ikaw ang pinaka walang kwentang  DFA Secretary sa kasaysayan ng Pilipinas!

Galit sa Incompetent,

PAB

P.S. Basahin mo to, at sana hindi ka patulugin ng konsensya mo!

https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/199569-filipino-diplomat-son-rape-case-new-delhi-india-school?utm_source=twitter&utm_medium=social&utm_campaign=newsbreak

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *