Cayetano, Bulag, Pipi at Bingi?

Dear Secretary Alan Peter Cayetano,

Sa history ng pag approve sa appointment ng mga gabinete, sabi nila kayo daw po ang pinakamabilis na, naapprove. Since you have been wishing for this position sa simula po lang, normal lang naman siguro na mag expect ang taong bayan na alam mo na kung ano ang trabaho mo.

Pagkaupo mo palang it took a few days for you bago mo naresolba ang security issue ng DFA website.

Nasulat ko na din before base sa report sa yo ng mga sundalo natin sa Panatag Shoal na ninanakawan na ang mga mangingisda natin ng mga Intsik. Naghintay ako na kahit sumulat ka man lang sa Chinese Embassy para naman kahit papano malaman namin na pinagtatanggol mo kami. Pero naghintay kami sa wala. Either naduwag ka sa galit ni Duterte or sipsip ka sa kanya kaya ayaw mo din ipagtanggol ang bansa natin.

Ngayon nangyari na naman habang busy ang mga sundalo natin.

May low pressure sa Panatag Shoal, makikisilong sana ang mga Pilipinong mangingisda sa Panatag Shoal kasi masama ang panahon, pero hindi sila pinayagan ng Chinese Coastguard ang masakit pa nito ultimo ang pinaghirapan nilang huling isda ay kinuha pa sa kanila.

Ano Secretary Cayetano?  Hindi ka pa rin magsasalita?  Ipagtanggol mo naman mga kababayan mo na nagpapasweldo sa yo. Bulag ka na rin ba sa mga pang aapi na ginagawa ng China sa ating mangingisda? Or tuluyan ka nang nabingi sa hinaing ng mga Pilipino?

Kung hindi mo kayang gawin ang trabaho mo, puwede ka na pong magresign.

Yabang yabang mong magpa appoint ng mabilis, tapos pagdating sa China, tameme ka?

Kung para sa yo mas mahalaga ang China kaysa sa bansang pinagsisilbihan mo, aba mag apply ka na lang sa gabinete ng China. Mas mapapakinabangan kayo ni Duterte dun. Pareho kayo ng paninindigan eh pagdating sa China, duwag.

Galit sa Taong Tuta,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *