Anong Petsa na, Sec. Cayetano?

Dear Secretary Cayetano,

Anong petsa na po?  Sumulat po ako last May 19 to inform you na prone sa hack ang DFA website. Ang excuse po ng mga trolls nyo na dapat hindi ko daw kayo sisihin kasi kauupo nyo palang as DFA secretary.  Nag check po ako ngayon, hindi pa din secure ang website.

Pero naman Sir,  madali lang naman po irenew ang SSL eh, kung concern talaga kayo sa kapahamakan ng mga OFW at mga nag aapply ng passport. You can just delegate it to your staff. It will take 30-45 minutes ayos na.

Eto ang mga steps ha,

First

You just fill out the form.

Second

Pay the corresponding amount.

Third

You get a copy of the SSL certificate (text file lang siya).

Fourth

Copy and paste the text file into the webserver settings

Then OK na po. 30 minutes or less depends sa Internet solve na po  ang problema.

Maawa naman kayo sa mga Pilipino. Paano na lang po kung mahack mga data nila. Since May 12 pa to.

Hanggang kailan kami maghihintay?  Baka abutin pa to ng pasko ha.

Nababagalan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *