Carlos Celdran: Ang Masakit Na Pamamaalam

Dear Sir Carlos,

Ang daming na nagsulat ng tribute para sa iyo. Ang tagal ko ding nasimulan ang blog na ito. Ang hirap kasi mag paalam sa isang kaibigan.

Hindi pa ako si Pinoy Ako Blog, naging magkaibigan tayo sa Facebook. Sabi ko sa iyo noon na sobrang idol kita kasi yung pagmamahal mo sa bayan sobra.

Hindi mo alam na ako si Pinoy Ako Blog and yet you treated me like a relative. Tinulungan mo ako sa pag aaral ko dati. For that sobra akong nagpapasalamat.

 

 

Hindi pa tayo nagkikita ng personal you always encourage me to be strong sa gitna ng panlalait. Kinikuwento mo din sa akin ang mga nararansan mong pang aalipusta dahil sa pagtutol mo sa patayan at kawalanghiyaan ng rehimeng Duterte.

Nakita ko kung paano ka nagdalamhati when you lost Bogart.

 

Sabi mo sa akin you feel so lonely. I felt your pain then.

I invited you sa kasal ko pero sabi mo yun mismo ang araw na aalis ka papuntang Spain. Malungkot ako at the same time nagalit kasi alam ko masakit para sa iyo na iiwan ang bansa natin.

Finally we met sa Christmas party sa bahay ni Bart Guingona.

 

Yung yakap mo when you saw me, felt so sincere. Alam ko totoong tao ang kaharap ko.

Kahit nasa Spain ka na, hindi ka nakakalimot. Lagi kang nangungumusta lalo na at nakikita mo ang mga bash sa akin. Para kitang older brother na laging nagbibigay ng payo.

Honestly, ang pagmamahal mo sa bayan ay isang inspirasyon para sa amin na patuloy na lumalaban. Yung kahit sinasaktan at inalipusta na, patuloy pa ring tumatayo sa tama, yung kahit nadapa na at tinatapakan pilit pa ding tumatayo kasi mas higit ang pagmamahal sa inang bayan kaysa sa sakit na nararamdaman.

Maraming salamat ha. Sobrang mahal ka namin. Mukhang may shortage ng angels sa langit. Kinuha ka na agad ni God eh. Magkikita na kayo ni Bogart. Wala ng pain doon. Mayayakap mo na siya.

Dito sa earth ang alaala mo na lang ang yayakapin namin.

Rest in God’s loving arms, Sir Carlos.

Nagdadalamhati,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *