Calida vs. COMELEC

Dear Presidential Electoral Tribunal,

Huwag niyo na pong pansinin si Calida, kasi po tuta yan ni BBM.

Di ba po nagsabi na po dati ang Comelec na 25% threshold po ang ginamit last election? Sabi niyo po magpakita ng resolution.

Ayan po may resolution na. So sana po yung comment ni Calida huwag niyo na pong pansinin kasi alam naman natin kung saan ang loyalty niyan.

Mga Honorable, simplehan na lang po natin, gamitin natin ang sintido common. Kung 25% ang nahonor noong 2016 election, so bakit 50% threshold ang gagamitin sa recount? Huwag po kayong magpa-uto sa kasinungalingan ni Calida. Yung tama lang po sana ang sundin natin.

Minsan niyo nang sinakripisyo ang legacy niyo noon kay CJ Sereno. Sana naman this time around, bumawi kayo at magdesisyon ng tama at naayun sa batas.

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *