Calida Hindi Nagsubmit ng Daily Time Record

Dear Solicitor General Jose Calida,

Ano ba naman kayo, nagkakagulo na nga sumasabay pa kayo sa kaguluhan. Kayo na nga ang nagrekomenda na palabasin si Napoles tapos eto na naman ang isang kapalpakan.

Paano kayo tumatanggap ng sweldo kung wala naman kayong pinipirmahang dtr araw2x? Ano yun parang ghost employee lang ang peg?

Sabi ng COA, wala daw kayong daily time records at weekly monitoring sheet nung taong 2016. Nakakapagtaka naman at tumatanggap kayo ng sweldong buo. Paano malalaman kung late or absent kayo aber kung ultimo biometrics ay hindi nyo ginagamit?

Mahiya naman kayo sa taong bayan. Tax namin ang nagpapasweldo sa inyo tapos para lang kayong saling pusa sa opisina nyo? To quote,

“COA said the OSG employees violated several government policies concerning work hours, including Civil Service Commission Memorandum Circular No. 21, Executive Order No. 292, and Memorandum Circular No. 3 of the Office of the President issued on August 8, 2016.

In its report, COA said the lack of time records made it difficult to determine if the OSG personnel had incurred absences or tardiness.”

Pag abogado dapat marunong sumunod sa patakaran at batas.

Eto po ang nakakahiya ha, the COA report also noted the OSG’s lack of progress in resolving pending cases. In 2016, the OSG received 30,444 cases – adding to the 333,539 pending cases as of January 2016 – but disposed only 28,604 cases. Imagine out of 333,539 ang nadispose nyo lang ay 28,604? Yung totoo? Galaw2x din kayo baka mastroke. Lakas nyong bumatikos sa ibang tao, pero ultimo paggawa ng DTR,  di nyo masunod.

Akala ko ba, kabilang kayo sa “the best and the brightest”? Mukhang mali ako sa aking akala… 😠😡😠

Taxpayer na galit,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *