Butthurt sa US si Digong

Dear President Duterte,

Mukhang napahiya na naman po kayo sa buong mundo no? Imagine dalawang US senator ang nagsabi na dapat hindi kayo maimbitahan sa sa White House kasi wala daw po kayong respeto sa human rights.

At eto pa, magpoprotesta daw po sila pag pumunta kayo dun. Grabe sila no? kasi naman po kayo puro po patayan ang programa niyo, tapos pinalabas niyo pa si Superintendent Marcos at binalik niyo pa sa trabaho. Impunity po yun.

Saklap no? Yung para kang may ketong na pinadidirihan? Wala po kayong dapat sisihin kung hindi po sarili niyo.  Ang masaklap lang kasi damay sa kahihiyan ang bawat Pilipino.

Natawa po ako sa sagot niyo ha.

Sabi niyo hindi kayo pupunta sa America kahit kailan, luh grabe siya oh, wala naman kayong visa eh. Di ba nga nabalita na kaya galit na galit kayo sa US kasi nga nadeny ang visa niyo nung gusto niyong puntahan si Honeylet sa US.  Tapos pinintasan niyo pa ang America.  Sabi niyo you have seen America and its lousy, paano po yun? Eh di ba hindi pa kayo nakakaapak sa US soil? Kayo po talaga Sir, sanay gumawa ng konti. Sa inyo pala nagmana ang mga political marketer niyo hehehe.

Sige nga aber, paano mo sila iimbestigahan? Pupunta ka sa International Court? Eh di ba po may kaso ka dun?  Bat po kayo ganun, hilig magpatawa hindi naman kalbo.

Parang ganito:

DUTERTE: Hindi ako pupunta sa US na yan kahit kailan!

US Senators:  Luh, as if may visa siya.  Belat!

Natatawa ng Slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *