Buti Pa Ang Prime Minister Ng Malaysia

Dear President Duterte,

Nabasa mo ba ang statement ng Prime Minister ng Malaysia?

 

93 years old na siya, pero hindi niya ginagawa ng excuse ang “power nap” para hindi gampanan ang tungkulin niya.

 

 

At saka Mr. President may tanong po ako. Nakakaintindi kayo ng Thai?

 

Kasi yung mga katabi niyo nakikinig with headset tapos kayo wala? Luh, paano niyo maiintindihan ang sinasabi ng Prime Minister ng Thailand?

At saka yung damit niyo po oh, parang raincoat.

Bakit hindi niyo po try gayahin ang Prime Minister ng Malaysia? He is already 93 years old, 20 years older than you are. Hindi siya nagpapower nap para lang hindi makadalo.

Yung breakfast at 4 events na hindi mo dinaluhan? Importante yun, chance mo na yun to affirm our ties sa ibang bansa eh.

Pero kung talagang pagod ka na na gampanan tungkulin mo, puwede na pong magresign.

Yamot sa Palusot,

PAB

P.S. Ang kapote po, ginagamit lang po pag umuulan. Huwag gamitin sa indoor.

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *