Butata Na Naman Si Duterte

Dear President Duterte,

Alam mo kung sino man ang nag advice sa inyo sa pag ipit kay Senator Trillanes siguro traydor yan. Pinahamak kayo oh.

Tingnan mo, kumuha Ng certification na kunwari walang application si Senator Trillanes. Hindi pinaalam said head ng DND. Ang daming na bypass.

Si Calida daw ang nagpa issue Ng certificate. Eh biglang may lumabas na video na nagpapatunay na may application pala.

PALPAK No. 1.

Ngayon pasok si Arevalo of AFP, aarestuhin daw kasi since revoked na ang amnesty, sundalo pa rin daw si Senator Trillanes.

Eh biglang lumabas na nabigyan nila Ng clearance si Senator Trillanes 2007 pa.

Palpak na naman!

Tapos pumunta si Secretary Guevara sa Makati Trial Court para magpa-issue ng warrant of arrest.

Akala siguro ganoon kadali. Eh hindi nag-issue agad.

Palpak na naman. Tumakbo pa isang court.

Wala pa din bes. Kaya ang Department of National Defense umatras na lang kasi nga mali siya.

Tapos ikaw din, umatras na din. Napahiya ka pa Ng bonggang bongga.

Kita mo na ang story ng iyong pagkapahiya? All for what? Para hindi masenate hearing si Calida? Ngayon pinasikat mo pa si Senator Trillanes.

Tsk. Tsk. Tsk.

Natatawa Ng Slight,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *