Butata Na Naman si Calida

Dear Solicitor General Calida,

Bilib talaga ako sa kapalpakan niyo, unlimited eh. Pilit niyong hinahanapan ng butas si Senator Trillanes, kaso lagi naman kayong napapahiya.

Una sabi niyo walang application kaya void ba initio.

Yun pala ikaw ang kumuha ng mga documents from Lorenzana. Tapos ngayon nawawala na?

Tapos ng may video na pinakita, sabi niyo bakit si Gazmin ang pumirma, nang pinakita sa inyo ang section 2 ng proclamation at ang principle ng alter ego.

Ngayon may bago na naman kayong gimik. Hinahanapan niyo ng butas ang petition na nafile ni Senator Trillanes. Hanggang technicality na lang ang hinahabol niyo para ipitin si Senator.

 

 

Defective tologo? Uy humingi ka pa pala ng certification from Sgt. at Arms ng Senate.

 

So kung wala sa logbook pagpasok ibig mong sabihin hindi properly notarize ang petition? Hindi ba puwedeng nakaligtaan mag sign sa logbook? Or baka nasabay sa karamihan pagpasok kaya hindi na nakapirma?

Pero butata ka na naman Ser, kasi may picture ang pag oath ni Senator Trillanes in front of a lawyer. Siya po si Atty. Angel na hinahanap mo at sa office yan ni Senator Trillanes.

 

Bwahahahaha! May video pa yan Kyah. Wait ka lang, at ikaw ang mapapahiya sa Supreme Court. Tanggapin mo na na paging 2 steps ahead si Senator Trillanes sa inyo.

Matalino man daw ang matsing, matsing pa din. Bleh!

 

Natatawa ng Slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *