Butas Ang Affidavit Ni Bikoy

Dear KaPAB,

Kung paano dinawit ni Bikoy ang buong pamilya ni Duterte, ngayon naman halos lahat sa oposisyon sinama niya sa affidavit. Una niyang sinama si Archbishop Socrates Villegas.

 

Sabi niya nameet niya daw si Bishop Soc noong December 12, 2018. Sinagot ito ni Bishop Soc.

 

 

Apparently yung date na sinasabi niya ay wala pala sa Maynila si Bishop Soc at may video link sa video na yun na magpapatunay na nagsisinungaling si Bikoy sa kanyang affidavit kasi nasa Bataan si Bishop Soc.

Tapos dinamay din si Bishop Ambo David. Kesyo nagmeeting daw sa residence ni Bishop Ambo kasama daw si Senator Trillanes. Yun pala hindi pa nagmeet si Bishop David at si Senator Trillanes.

 

Tama si Bishop David. Dati tinawag ng mga nasa gobyerno na sinungaling at may sira si Bikoy noong ang pamilya ni Duterte, ngayon na halos lahat ng opposisyon sinali, nag iba bigla ang ihip ng hangin.

 

Di ba nga sabi ni Panelo, “you lie in one, you lie in all”?

Applicable pa din ba ngayon?

Maghihintay ng Kasagutan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *