Bumubula Na Naman Ang Bibig Mo Chong

Dear Glen Chong,

Magkalinawan nga tayo. Mukha kasing bumubula na naman ang bibig mo.

 

Magfafile ka lang ng reply, dami mo pang kuda Kyah. Una hindi ka pinipigilan kung maglabas ka ng mga papeles mong sinasabi. Tinatanong lang ng kampo ni VP Leni kung saan mo kinukuha ang mga papel na pinipresent mo.

Sabi mo galing sa electoral protest ni Tolentino kay Delima. Pero yung mga binanggit mo na lugar ay sa Camarines Sur na hindi naman kasama sa SET case ni Tolentino. Fake news ka.

Lagi mong sinasabi na hindi ka connected kay BBM, but all the resibo say otherwise.

Ano ginagawa mo sa briefing na yan. Eto pa ang isang katibayan.

Pero sabi mo hindi ka connected. Hindi ka pinipigilan magsalita, halos araw araw na ang post mo sa mga conspiracy imbento mo eh. Ginawa mo na ngang diary ang facebook eh.

Yung mga documents na pinapalabas mo lagi na nilalagyan mo kung ano-anong twist, ay puwede lang ibigay ng PET sa mga candidates at representative nila. So kung hindi ka representative ni BBM gaya ng sinabi mo under oath sa senate hearing, saan mo kinukuha yan or sino ang nagbibigay sa yo? Impossible naman na galing sa kampo ni VP Leni.

Huwag mong ilihis ang isyu. Sagutin mo ang query kung saan galing ang mga documents mo. At bago tayo magkalimutan, kumusta naman ang kaso mo sa Comelec? You know yung ballot tampering case na allegedly ninakaw ang mga balota?

Ayun sa affidavit ng testigo, planado niyo daw ang pagnakaw at pagtamper ng balota.

Dapat daw sa Biliran kung saan ka nakatira, pero sa Baguio ang natuloy.

 

 

 

 

Base on the documents Kyah, you expressly instructed to tamper daw the ballots. All I am saying parang deja vu ang nangyayari, kasi may documents ka na naman na hawak na pinapaliwanag sa yo kung saan ang source mo kasi nga wala ka namang karapatan to have documents like that, kasi hindi ka naman representative ng any camp, di ba?

So kung wala namang masama sa paraan kung paano mo naobtained yan, eh di sabihin mo kung saan, huwag ng maraming kuda. Yun lang naman ang pinapaliwanag sa yo eh. You don’t need 20-30 pages for that para sa paliwanag.

Puwede mong sabihin, “galing ito sa kampo ni BBM”. Pero pag sinabi mo yan, ibig sabihin nag violate sila ng gag order. Come to think of it, kaya pala hindi ka puwedeng icontempt kasi sabi mo hindi ka connected sa kanila. Wais!

Puwede mo din sabihin galing ito kay _________, fill in the blank na lang at magsabi ng totoo, para walang kaso. May nakasalang ka pang isa na nasa COMELEC ngayon.

Go Chong Go!

Natatawa ng Slight,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *