Bumanat Na Naman Ng Fake News Ang Reyna

Dear Mocha Uson,

Ayaw ko na sanang magblog about you kasi nga wala ka na Rin namang kwenta. Kaya lang sinungaling ka eh. May 5 million followers ka pero pinagloloko mo lang sila. You posted this.

 

Una, just to so you know, hindi trabaho ng presidente ang gumawa ng batas. Ang gumagawa niyan ang legislative branch. Sa dami ng librong ito sa harapan mo, hindi mo pala nabasa.

 

 

Pangalawa, ang trabaho lang ng presidente mo pagdating sa batas ay pumirma. Kaya huwag mong palabasin na masipag ang presidente mo.

Pangatlo nuknukan ka ng sinungaling. A simple research sa Google will show you the number of bills signed by President Aquino into law.

Baka sabihin mo na biased yan kasi Rappler.

Eto pa graphics explainer na ito baka sakali na lang pumasok sa kukote mo.

Eto ha, gumamit ka ng calculator. Iplus mo ang bill signed by PNoy.

2010 – 8

2011 – 202

2012 – 177

Yan na lang muna, kasi 3 years palang naman ang poon mo. Sa loob ng tatlong taon ang napirmahan niyang bill into law ay 387! Bill palang galing sa House of Representatives yan. Kung idadag mo pa ang bill na galing sa Senate dagdagan mo na lang ng 98.

Nasa listahan din ang landmark legislation under PNoy’s term. Intindihin mo ha.

Kaya pagbabasehan ay pasipagan ng pagpirma di hamak na mas masipag si PNoy! Kaya huwag mong utuin ang mga tao.

Kakandidato ka para magkalat ng kasinungalingan sa Congress? Palitan mo ang partylist mo ng “KAPEKE”. Tutal puro naman fake news kinakalat mo eh.

 

Yamot Sa Fake News,

PAB

Source: https://www.gmanetwork.com/news/news/specialreports/525670/sona-2015-how-many-bills-were-filed-and-passed-during-pnoy-s-term/story/

https://www.rappler.com/newsbreak/46760-laws-approved-vetoed-pnoy-2013

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *