Buhay na Naman ang DDS Troll Farm?

Dear KaPAB,

After sa nangyari kay Kian, All Hands on Deck sa paninira sa iba’t ibang personalidad.

Ayon sa ating source, si Thinking Pinoy daw ang naka-assign na siraan si Risa Hontiveros at paglaruan ang pagkamatay ni Kian delos Santos. Gaya nito.

Pareho sila ng trabaho ni Sasot ang balahurain ang alaala ni Kian. Ang assignment naman ni Mocha ay  ihype ang pagbisita ni Duterte sa Marawi, kaya lang nagkamali sa video, ngayon daw pinagsabihan sya ng AFP, kasi instead makatulong nalagay pa sa panganib ang mga sundalo doon.

May ginawang bagong page katulad nito na ang gawain ay manira ng kapwa.

Tapos ang instructions ay ishare ng troll farm pero hindi sasabihin na eto pala ay satire site.

Kunwari satire site. Pero ginagawa nilang propaganda site. Ano ba naman ang malay ng ibang DDS as meaning ng satire. Pag ang isip parang kulto or binabayaran para magpalaganap ng kasinungalingan share lang ng share.

Since na hit ng very hard ang popularity ni Duterte sa pagkamatay ni Kian, aktibo muli ang troll farm pero ikondisyon ang ang utak ng mga tao.

The only way na malabanan eto ay magtulong tulong tayo na icorrect pag may mga kaibigan tayo OR kamag-anak sharing these articles.

Puwede din ishare ang post na to as much as we can to create awareness po.

Maaaring 55k lang tayo compared sa mga propagandista na milyones ang followers, pero kung tulong-tulong tayo sa pagshare, pag educate sa mga kaibigan, kapamilya at mga mahal sa buhay we can make a difference.

Lagi kong sinasabi, si PAB ay kayo. Boses niyo ito. Boses ng mamayang Pilipino na ayaw na sa kasinungalingan.

Kapit kamay tayo para sa katotohanan.

Para sa Bayan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *