Bruce Rivera, Pinagkakaperahan ang mga OFW?

Dear Bruce Rivera,

May nagpadala na PAB follower ng resibo nang pera na pinapadala di umano sa yo ng mga OFW nating kababayan. May mga katanungan lang po ako.

  1. Buwan2x ba kayong pinapadalhan?
  2. Ilan po silang nagpapadala sa inyo?
  3. Alam ba nang mga kasamahan nyong political marketer na tumatanggap kayo ng pera?  Pinaghahati hatian nyo ba kung anuman ang natatanngap nyo? Or sinosolo mo lang?
  4. Eto ba ang sinasabi mong suporta ng OFW? Financial support?
  5. In other words eto ang bayad sa yo sa pagfile ng BASURANG  impeachment complaint kay VP Leni? In other words hindi pala libre serbisyo mo. Kasi ang OFW ang nauto mo.
  6. Pinagkakitaan mo na nga sila, hindi mo pa nagawa ang trabaho mo ng tama. Di wala ka namang nahanap na sponsor sa Kongreso?  Kasi nga basura ang ginawa mo. Anong susunod nito? Hihingi ka naman ng pera sa kanila?
  7. Paano niyo nagagawa yan sa mga kababayan nating  OFW?  Alam mo naman na mahirap ang trabaho nila doon. Tinitiis ang lungkot para lang makapag padala sa pamilya nila sa Pinas.  Dugo at pawis ang puhunan na ng pera na inuuto mo from them.

Given, na voluntary nilang binibigay, pero sana kung may DELIKADESA  ka hindi mo tinatanggap. Alam mo ba na pangkain na sana nang pamilya nila ang pera na yan? Pang tuition fee na sana ng mga anak nila?  Pampagamot na sana ng mga mahal nila sa buhay yan. Hindi mo man lang ba naisip na tinitiis nila ang hirap at lungkot na mangibang bansa para lang makapag padala ng pera sa pamilya nila?  Ang iba tinitiis ang pagpapahirap ng mga amo nila para lang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak nila. Ang iba nga diyan, isang beses lang kumain sa isang araw kasi nagtitipid para malaki ang maipadala sa Pilipinas. Tapos ikaw, relax lang na tumatanggap nang pinaghirapan nila?

Sobra po kayo. Wala kayong awa. Maghintay ka may karma na darating para sa yo.

Nagagalit ng Sobra,

PAB

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *