Boracay, Magkakaroon ng Dalawang Casino?

Dear President Duterte,

Ano po ang balak niyong gawin sa Boracay? Ipapasara niyo po ba para linisin or ipapasara niyo para mapagtayuan ng  hotel casino?

At hindi lang isa, kung hindi dalawa pang casino.

Galaxy at Resorts World? Narealized niyo po ba kung ano ang impact nito sa mga umaasa ng kabuhayan nila sa mga resort? Bago kayo nag desisyon nag-isip ba kayo ng alternative livelihood sa kanila?

Paano ang mga may pinag aaral? Paano ang kanilang mga sikmura?

Sabi mo you hate oligarchs, pero sa gagawin niyo sa Boracay para niyo na ring mas binigyan ng halaga ang mga mayayaman kaysa mahihirap.

Ok lang naman kung lilininsin mo ang isla, pero wag naman at the expense ng hanapbuhay ng iba.

So pinasara niyo siya para habang nakasara, nagtatayo naman ng hotel/casino? Akala ko ba congested na ang Boracay at kailangan bawasan, pero bakit may mga idadagdag?

Hindi niyo man lang inisip ang kakahinatnan ng mga tao doon.

Galit sa Pinunong Walang Awa,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *