Bongbong Marcos, Lahat Na Lang Talaga?

Dear KaPAB,

Ating suriin ang mga issue na binabato ni Bongbong Marcos.

1. BASANG BALOTA

Una alam naman natin sa mga probinsya yung mga storage ng mga ballot boxes ay hindi ganun kasafe sa ulan at init ng araw. Pero may tinatawag tayong ballot image na by the way nagpaprint din ang kampo ni BBM. Hindi ko alam kung ano ang nginangawa nila.

2. MISSING AUDIT LOGS SA BALLOT BOX

Luh, hindi naman talaga yun nilalagay sa ballot boxes.

“Resolution 10057 that was issued by the Comelec on Feb. 11, 2016.” Section 29 requires that only “election returns, election voting, half of the turned ballots, and rejected ballot” should be placed inside the ballot box.”
At saka hello puwedeng mag request ng audit logs sa COMELEC. Lahat na lang talaga.

3. FOUR HEAD REVISORS RESIGNED

Sa mga hindi po nakaaalam to be a revisors, ay madugo. May psychological test pa yan. Iba’t ibang interview kasi sobrang hirap trabaho nila.

Pag start ng counting, bawat balota bubusisiin nila ng mga hidden code ng Comelec. Isa-isa. Tapos pag pupunta sila ng CR sinasamahan sila at walang gadget kung saan sila nagbibilang. Para silang nagtitake ng BAR. After nilang busisiing isa isa, may ultra violet test pa, yung parang tinitingnan ang pekeng pera? Lahat ng codes ng Comelec dapat nasa balota.

Sa hirap ng trabaho nila, wag na tayong magtaka kung may umayaw. Ang diperensya lang ginagamit ito ng kampo ni BBM na isyu.

4. INA REFORMINA’S TWEET

Una po, isang ballot box pa lang po ang nabubuksan. Pangalawa, walang gadget na allowedvsa revision area. Ganun sya ka strict. So sino ang source ni Ate Girl?

People called out Ina Reformina sa twitter and I asked her who is the source na sinasabi niya. Ang sagot niya is to blocked me.

Alam naman natin na ang recount na to ay labanan ng mga bloggers at trolls. Puro propaganda, lagi na lang nasisisi kung sino man ang SOURCE.

Puwedeng manggaling sa kampo to ni BBM na mahilig mag imbento ng fake news.

Ang punto ko lang, lahat nirereklamo, akala ko ba gusto nilang matapos agad?

Nangangamoy talo si Baby Marcos.

Yamot sa mga Dramatistang Palaka,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *