Bong Suntay o Taong Bayan?

Dear President Duterte,

Siguro naman nakita niyo na kung gaano nagalit ang taong bayan sa balak ng LTFRB na wag bigyan ng prankisa ang Uber at Grab.

Kasi po Sir, libo libong Pilipino po ang maaapektuhan dito. Hindi lang commuters, pati na po ang mga driver ng Uber at Grab na marangal na naghahanap buhay.

Kagaya po ni Kuya Percival, na supporter niyo pala.

Isa lang po yan sa mga driver na maapektuhan sa desisyon niyo po. Marangal po silang naghahanap buhay para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga pamilya nila. Kung totoo man na ginagawa niyo to dahil nagbabayad kayo ng utang na loob kay Bong Suntay, isa pong maling decision yan. Bayaran niyo sya sa ibang paraan pero wag niyo naman pong isakripisyo ang mga drivers at ang kinabukasan ng mga pamilya nila.

Alam niyo po ang karamihan sa kanila, binabayaran pa ang mga sasakyan nila at umaasa sa kinikita nila sa araw-araw para mapakain at mapaaral ang mga anak nila. Isipin nyo kung ilang buhay ang magsasakripisyo dahil lang may utang na loob kayo.

Mr. President,  maawa naman kayo sa mga drivers at sa pamilya nila. Maawa naman kayo sa aming mga commuters. Sino ba mahalaga si Bong Suntay o ang mga Pilipino?

Utang niyo, bayan ang magsasakripisyo?

Neknek nyo,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *