Bong Go, Hindi lang Selfie King

Dear President Duterte,

Kumusta naman ang whiff of corruption na sinasabi niyo dati?

Nangangamoy corruption si baby boy Bong Go niyo. Hindi naman niya trabaho, nakikialam sa mga kontrata ng gobyerno. Resibo.

15.5 bilyon project? Wow, ilan kaya ang lagay sa project na to? Tapos tinawag niyong fake news ang Rappler dahil dito? Talagang pinagtanggol muna bago nag imbestiga? Resibo.

Since mukhang akala mo fake news bigyan kita resibo ha. Eto ang document na pirmado ni Secretary Lorenzana.

Ayan oh, klarong klaro ang pangalan ng alalay niyo, “Bong Go”. Alangan naman magsinungaling si Lolo Del, (Delfin Lorenzana)? Hindi na whiff yan, masangsang na amoy na yan ha.

Todo deny pa din yung alalay niyo ha. Resibo.

Ipapasa niyo kay Secretary Lorenzana? Sige nga, ipaliwanag nya nga ang dokumentong ito. Resibo.

His Undersecretary wrote this, wala din kayong alam? He asked for a meeting in Malacañang to discuss yung kontrata ng CMS? Luh, nangingialam po ang alalay niyo sa kontrata oh. Tapos pinagtatanggol niyo pa rin? Ano yan, barado ilong? Hindi naaamoy ang corruption?

Selective po kayo, ilang beses ng napatunayan yan. Kung talagang kontra ka sa corruption, patunayan mo. Daming kaechosan, tse!

Yamot sa Mapagpanggap,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *