Bong Go, Bilyonaryo!

Dear President Duterte,

Pag usapan po natin ang #Frigate. Nakita ko po kasi na super apektado po kayo nung nireport sya ng Rappler. Tinawag niyo sila agad na fake news outlet. Resibo.

Yan na ang paliwanag na naabot ng isip niyo? Instead mag imbestiga kayo kung saan nanggaling ang dokumentong ito?

Bagamat umamin si Secretary Lorenzana na nagkamali sya sa pagbanggit ng pangalan ni Bong Go pero sinabi niya na ang papers ay galing sa Malacañang.

Ang malaking katanungan, bakit nangingialam ang Malacañang sa bilyones na kontrata? At bakit ang undersecretary ni Bong Go ay may sulat na ganito?

Hindi niyo man lang iimbestigahan? Fake news agad? Tapos nagsinungaling pa si Harry Roque. Rappler lang daw ang nagreport. Luh, may report din po ang Inquirer.

Tamad magbasa ang mga staff niyo no. At ang depensa niyo pa bilyonaryo si Bong Go.

Sige nga kung bilyonaryo sya, patingin ng SALN niya.

Tapos sinasabi niyo na destabilization plot agad? Lahat ng defense niyo ay mukhang desperate attempt to muddle the issue. Tama si Cong. Gary Alejano.

Sagutin niyo kasi ang isyu, wag magpalusot. Tanungin niyo si Secretary Lorenzana kung sino ang nagbigay ng papel from Malacañang para malaman niyo. Whiff of corruption lang di ba? Panindigan mo yan!

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *