Balikan natin ang mga Pangako ni PDuterte

Dear Tatay Digong,

Flashback Friday po tayo. Balikan natin ang mga pangako niyo. Natatandaan ko nung debate. Sinabi niyo to at nagpalakpakan ang mga tao. Bilib na bilib sila sa inyo.

Promise on Spratly's and flag

Anyare? Hindi niyo na nga tinupad ang jet ski. Isinuko niyo nang tuluyan ang karapatan natin sa West Philippines Sea.  #NaDuterte ang Pinoy.

Eto din po. Naalala niyo pa ba nung pinangako niyo ito? Tuwang-tuwa uli ang mga Pinoy. May sumisigaw pa na si Duterte may malasakit.

Promise on Tax

Anyare? Wala naman po eh. Binawasan niyo nga ang mga withholding tax, pero gusto niyo naman patungan ng tax lahat ng bagay, suma total, lugi pa kami.  #NaDuterte na naman.

Naalala niyo pa ba tong pangako niyo sa mga manggagawang contractuals? Halos maglulundag ang mga 16 million niyong tagahanga.

Promise on Endo

Hala, one year na wala pa din. Hanggang ngayon contractual pa din sila. #NaDuterte pa more.

Eto yung isang sinabi niyo na nakakatawa. 😂😂

Promise on best and brightest staff

Sabi niyo the best and the brightest?  Si Ate Mocha, si TP si Bogart,  si Arnel at marami pang iba. The best ba mga yun?  Luh, #NaDuterte uli.

Tapos eto ang pangakong pinalakpakan ng mga pulis, guro at sundalo.

Promise on doubling the salary of policemen

Hanggang ngayon wala pa din. Pati chalk allowance ng mga guro tatanggalin niyo pa. #NaDuterte si Ma’am at Sir.

Pero eto ang pinaka matindi. Ang flag bearer ng partido niyo. Droga.

Promise on Drugs

Anyare? One year na, may droga pa rin at kadalasan sa Davao pa nakukuha. Tapos hindi pa kayo nagreresign.

Dami niyong nabola, mga 16 million. Mga nautong DDS at patuloy pa din inuuto.

Alam niyo po Tay, masama ang sinungaling. Dami niyong pinangako na napako lang.

Magpa hanggang ngayon niloloko niyo pa din ang mga bumoto sa inyo. Di na kayo naawa.

Galit sa Matandang Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *