Bureau of Customs, Utang na Loob Bureau ?

Dear Commissioner Faeldon,

Bilib po ako sa inyo na pinagtanggol niyo po si Atty. Mandy Anderson noong hearing. Pero yung mga naglalabasang isyu ngayon sa BOC mukhang hindi na biro. Paano nyo po maipapaliwanag ang paghire niyo po ng mga PBA player na ito?

Alam ko na marami sa kanila supporters ni Duterte before, is this another case of bayad sa utang na loob?  Sir naman maawa naman kayo sa taong bayan. Base sa contract nila

Kenneth Duremdes and Marlou Aquino’s salary is 50k every month!  Grabe kayo. 28 sila lahat sa listahan. That’s 1,400,000.00 thousand every month! Para ano para maglaro sa sportsfest ng BOC?

Luh, grabe sila para lang manalo gumagastos ng pera ng taong bayan ng 1.4 million monthly. Alam niyo ba kung ilang bata sa lansangan ang mapakain ng pera na yan?  Ilang fertilizer para sa ating magsasaka?  Ilang classroom ang puwedeng  magawa? Hindi na kayo naawa sa mga Pilipinong nagtatrabaho na kandakuba na, para lang makabayad ng buwis.

Sir naman, Magdalo kayo dati, nag rally kayo kasi ayaw niyo sa corruption. Pero nakadikit lang kayo kay Duterte ganyan na ang nangyari.

Maawa naman kayo sa bansa natin!

Galit sa Corrupt,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *