Blossoming Trapo: Geraldine Roman

Dear Congresswoman Geraldine Roman,

Nakita ko po ang post nyo.

Seriously?  Gender is not an important issue?  Kung hindi importante yan bakit ka nag pa sex exchange sa ibang bansa.

Ang bilis nyong naging trapo. Nung campaign period,  ang pinaglalaban nyo gender equality para sa mga LGBT. Daming bumilib sa inyo, kasi nga naman akala nila totoo ang hangarin mo. Sabi mo pa nung tinanong ka about death penalty you opposed the bill and respected the right of convicts for reformation.

Pero pagdating sa pondo nakalimutan mo na ang prinsipyo mo. Nung nagbotohan sa death penalty isa ka sa mga sumang ayon. Hindi po ba nakakatawa? Pro life ka sa RH Bill tapos Pro Death penalty ka.

Sa ngalan ng pera sinangla mo ang prinsipyo mo. Ngayon isa ka sa mga member ng super majority na sa gitna ng kaguluhan sa bansa, nakuha nyo pang mag sight seeing at mag tour, gamit ang pera ng bayan.

Oo nga pala sabi mo, you support yung mga plano ni Duterte, so puwede na bang masabi na you are an EJK enabler as well?

Nagkamali ang LGBT na suportahan ka kasi kahit ilang beses nang binastos ni Duterte ang mga bakla, wala ka man lang nagawa para ipagtanggol sila. Ginamit mo lang ang pinaglalaban nila sa yong pansariling political agenda

After sa lahat ng mga ginawa mo, for me, you will be reduce to “blossoming trapo”.

Sinayang mo ang suportang binigay ng mga tao sa yo lalo na ang LGBT community.

Mag ingat sa karma, digital na yan ngayon.

Galit sa Trapo,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *