Birthday Wishes for President Duterte

Dear President Duterte,

Happy Birthday po.

Kung magkakaroon ng chance po ako na mabigyan po kayo ng regalo, eto po ang plano ko sanang ibigay.

1. Packing Tape

Para pag nambabastos na naman kayo ng mga kababaihan, puwede pong itapal po ito sa bibig niyo.

2. Mouth wash

Sa dami ng kabastusan at pagmumura na lumalabas sa bibig niya, kailangan niyo pong lumaklak ng mga sampung litrong mouthwash.

3. Safeguard

Baka sakali na lang pag ito ang sabon niyo, tubuan kayo ng konsensya sa mga kasamaang ginawa niyo. Para matigil na ang patayan ng mga inosente.

4. Wheelchair

Baka kasi magdrama kayo pag hinuli na kayo ng ICC, at least may magamit kayong props.

5. Ballpen

Para pag hindi ka na duwag, mabilis mong mapipirman ang bank waiver mo. Madaming kulay yan ha para maencourage ka. Kasi yung mga alipores mo oh, hirap na sa pagtatanggol sa yo.

6. Chinese Passport

Since sobrang mahal mo ang China at naduduwag ka sa kanila, by having a Chinese passport, puwede ka nang tumira doon. At pag napunta po kayo doon, wag na po kayong bumalik.

Dami kong gift ha, sana maibigay ko to sa yo.

On a serious note, sa birthday mo, ang wish ko ay sana humaba pa ang buhay mo, para mapagdusahan mo pa sa kulungan lahat na naging kasalanan mo sa mundo.

Nagdadasal Para Mapabilis ang Karma,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *