Birthday Wishes Para Kay Presidente

Dear Presidente Duterte,

Ngayon 74 years old ka na. Sana naman magbago ka na. Eto ang mga wish ko sa iyo.

1. Sana huwag ka ng magmura, kasi ang pangit talagang pakinggan.

2. Sana makipag break ka na kay Xi Jinping, ang bansa muna natin ang kampihan mo.

3. Sana huwag mo nang awayin ang simbahan, kasi matanda ka na, sa kanila ka din hihingi ng last rites pag malapit ka nang mategi.

4. Huwag ka na sanang maging bastos sa kababaihan, baka multuhin ka ng Nanay mo.

5. Huwag mo na sanang ipawalang sala ang mga corrupt, ibalik mo sila sa kulungan.

6. Huwag ka ng pumatay, utusan mo ang mga kapulisan na sundin ang due process.

7. Ipakulong mo na ang mga kumpare mo na si Michael Yang at Peter Lim.

8. Harapin mo ang ICC, huwag kang maging duwag.

9. Pirmahan mo na ang bank waiver. Huwag ka na ding insecure kay Trillanes.

10. Sana isapubliko mo na, kung ano ba talaga ang sakit mo. Malapit na ba or what?

11. At sana next time na mamaalam ka, ituloy mo na. Huwag kang paasa.

12. Sana humaba ang buhay mo para maharap mo ang kaso mo sa ICC.

Happy birthday!

Mukhang Mabait,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *