Birthday Ni Pilo, Anak Ng Tundo

Dear Pilo Hilbay,

Happy birthday!

Parang kailan lang, noong nag-offer ka ng tulong sa akin. That was 2017. Then naging magbabarkada tayo nila Agot, Bart, John at Vince.

 

 

Naalala ko din noong sinabi mo sa akin na nadedevelop ka na kay Agot kaya lang natotorpe kang magtapat.

 

 

Buti na lang naglakas loob ka, kita mo, ang saya niyo ngayon na nagmamahalan.

Wala ka talagang plano mag politics noon, nasaksihan namin ang pagdadalawang isip mo na pumasok sa pulitika. Kasi nga sa kakulangan pinansyal. Pero nakita ko kung paano dumami ang volunteers mo. Mga ordinaryong tao ang nangangampanya para sa ‘yo.

 

 

Mga taong nagbabyahe para lang maikalat ang poster mo.

 

 

Alam ko minsan nahihirapan ka na, kasi kulang talaga ang pera. Alam ko sa pamilya mo at mga supporters ka humuhugot ng lakas.  Tuloy lang ang laban.

Ngayon birthday mo, wish ko para sa iyo ay maging masaya ka at maabot mo ang pangarap ng taong bayan para sa iyo.

Nandito lang kami sa likod mo. Walang iwanan hanggang sa dulo.

Happy birthday, Pilo Hilbay!

Isang Supporter at Kaibigan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *