Binastos Ka Na Nga, Nakangiti Ka Pa

Dear President Duterte,

Balita ko sa kasagsagan ng pinsala ng lindol, pumunta kayo ng China. Kumusta naman ang kaibigan mo na si Winnie the Pooh? Balita ko nabastos ka daw?

 

Hindi daw nila kinikilala ang pagkapanalo natin sa International Court. Akala ko ba kaibigan mo yan, bakit parang iniinsulto ka?

Pagkatapos mong bigyan Ng mga trabaho tapos hindi pa nagbabayad ng tamang buwis, ngayon babastusin lang ang karapatan ng bansa sa ating territory?

 

Madaming investment at MOU kamo na napirmahan, sige nga, isapubliko niyo nga ang kontrata. Baka naman sobra ang taas ng interest ha. At magaya tayo sa Venezuela.

So ano ang sagot niyo ng sinampal ng China sa inyo na wala silang balak ihonor ang pagkapanalo natin?

A. Ngumiti

B. Tumango

C. Nag beautiful eyes

D. All of the above

Feeling ko D. Tse!

 

Yamot Sa Traydor,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *