Binabalahura ang Saligang Batas

Dear Cong. Umali,

Sa 1-10 po, 10 is the highest, paano niyo babalahurain ang impeachment process?

You said this sa interview. Resibo.

Done deal? Done deal? Eh bakit pa kayo naghehearing? Ano yan drama lang? Binabalasubas niyo ang saligang batas, harap harapan niyong niloloko ang taong bayan. Wala kayong konsensya.

Nagrereklamo kayo sa luxury car kamo na service ni CJ Sereno? Sir, nahiya naman po kami sa helicopter ride ng pamilya niyo? Resibo.

At pakisabi naman kay Speaker Alvarez na nakakahiya sa milyones na one week birthday celebration niya.

Ang ipokrito niyo lang no? Pag kayo ok lang, pero ang imbentong akusasyon niyo kay CJ halos isumpa niyo ang tao kahit walang kasalanan. Pinagmamalaki niyo pa ang supermajority na numbers niyo sa kongreso. Resibo.

So bakit pa kayo naghehearing kung may desisyon na pala kayong niluluto? Sana mapaso kayo, sa pagluto para balikan kayo ng karma.

Mga bully!

Yamot sa mga Mayabang,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *