Bilyones na Droga Nakalusot, Lapeña Napromote?

Dear President Duterte,

Noong nangangampanya palang kayo, wala kayong bukambibig kung hindi ang kampanya laban sa droga.

Marami na ang pinatay na mga ordinaryong tao na walang kalaban-laban, ang iba mga sanggol pa na nadamay, pero hanggang ngayon iilan lang ang mga nahuling drug lord. Si Peter Lim nagtatago pa rin.

Naalala niyo noong unang may nawala na 6.4 bilyon na shabu? Yung nasangkot sa hearing yung anak niyo na si Polong? Dapat nang time na yun nagalit kayo kay Faeldon eh, kasi paano yun nakapuslit under his watch. Pero hindi eh, nilipat niyo lang siya sa ibang posisyon tapos naging kumpare mo pa.

 

 

Ngayon may isyu na naman na 11 bilyon na shabu, sinabihan na kayo ni PDEA Chief Aquino na meron, may aso pang testigo, pero nagsabay pa kayo ni Lapeña, na sinasabing wala dati.

 

 

Pero nang nagkagipitan na lumabas na ang isang matapang na abogada, nag iba na ang tono ng tauhan niyong si Lapeña.

 

 

Mismo si Lapeña na ang umamin na maaari ngang may shabu. Napuslitan siya ng 11 bilyon worth na shabu under his watch. Pero hindi ba dapat magalit kayo kasi ang daming droga na naman ang mapupunta sa kalye? Pero ano ang ginawa niyo? You promoted him pa sa mas mataas na katungkulan.

 

 

Mas mataas na sweldo ngayon cabinet secretary pa. Dalawang shipment na ng bilyones na droga ang nakalusot, pero yung mga taong responsabile sana sa pag monitor nito binigyan niyo pa ng promotion.

 

 

Parang hindi naman kayo seryoso sa laban sa droga eh. Mukhang kadramahan lang lahat ang mga pahayag niyo eh. Puro salita, pero iba ang gawa. Tanong lang po, “May connection ba kayo sa mga big time drug syndicate? “

 

Maghihintay ng Sagot,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *