Best and the Brightest?

Dear KaPAB,

May bagong appointee na naman si Tatay Digong, si actor-turned-politician Jeremy Marquez.

OK lang naman kasi graduate naman siya sa political science, sanay na sa pulitika.  Hindi ko lang alam kung may knowledge sya sa pwestong binigay sa kanya. He is now the deputy secretary-general of the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Political science then Housing?  Hmm medyo malayo. Pero sabagay si Ate Mocha nga Communication eh lagi naman misinformation ang post, so wag na tayong magtaka.

Eto pa ang isa kilala to ng mga taga UST, si Presidential Consultant for Education Jose David Lapuz as member of the UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization) National Commission of the Philippines.

Eto pong taong to ay teacher pala ni Duterte nung 1960 sa Lyceum. Tumulong din siya during the campaign.

Self confessed manggagaya po ito si Lapuz.  May libro syang ginawa na ang title ay Perspectives in Politics: Public and Foreign; Rationalizing the Irrationalities of Politics , 20 out of 61 articles were tainted with plagiarized text. Sottofied pala ang book.

Ang function po niya as a new appointee,  is “he is tasked with representing the “education, scientific, and cultural agencies of the government” according to his appointment document.

Luh, representing education, tapos nangongopya.  Ano kaya yun?

Galing ni Tatay Digong, kahit nangongopya basta may utang na loob sya, appoint lang ng appoint.

Kawawang Juan, pera mo naman ang pambayad sa utang na loob ni Duterte.

Inis sa Nangongopya,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *