Beshie, Golden Rule

Dear Ate Mocha,

Kumusta naman po ang hearing kahapon?  Nagkita pala kayo ni Senator Trillanes ha. Nagpa picture ka pa?  Resibo.

Luh, hindi personal eh sinabihan niyo ng walang bayag si Senator?  Trabaho yung paghanap sa bayag ng senator?

At saka di ba sabi mo pag nakita mo siya ay sasampalin mo siya? Resibo.

Anyare, beshie at nakipag flirt ka bigla? Resibo.

Akala mo talaga, mabobola mo si Senator Trillanes?  Kay Tatay Digong lang effective ang mga linyang yan, bes.

By the way, di ko alam kung matatawa ako or maiinis sa yo sa sinabi mong to? Resibo.

Sabi mo biktima ka ng fake news ng GMA, dahil dun sa selfie mo sa Mosque. Luh, totoo naman yun. At saka nagpahayag na po ang GMA sa sinabi mong hindi kinuha ang side mo. Resibo.

Not getting your sides kamo? Wow nahiya po si lady justice sa pagiging fair nyo. Resibo.

Umaangal ka na hindi kinuha ang side mo and yet yung mga binalahura mo, kinuha mo ba ang side nila?  Duh.  Golden rule, beshie, laging tandaan.

Nang maipit ka na, sabay gamit sa I invoke my churvaloo. Resibo.

Akala ko nga “Against self-cremation” ang sabi mo. Buti na lang inulit mo. Gagawa na sana ako ng hashtag na #MochaCremation e. 😂😂😂

Di ba patawa ka, yung reyna ng fake news umaaray sa fake news? Pag ikaw nambalahura hindi puwedeng punahin?  Pero pag ang administration na to ang pinupuna libel?

Maybe its high time for you to decide if you want to be a blogger or if you want to be a government employee. May nagpasurvey sa twitter baka matulungan ka ng result to decide .

Opps, paano yan, beshie mas gusto nilang makulong ka. 😂😂😂

Nagdadasal sa Mapabilis na Pagkulong,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *