BBM trolls Strike Again

Dear BBM trolls,

Mukhang active na active kayo sa pamemake ng news ha. May mga pinapakalat pa kayo na kesyo ang tsinelas ni VP Leni nakita sa kampo ng NPA.

Yun pala fake news kasi ang katotohanan yang picture na ginamit ay galing sa inquirer article na kung saan mabigat ng tsinelas sila VP Leni sa QC.

Medyo tagilid ba kaso ng hari niyo?  Kaya malakas ang paggawa niyo ng fake news mga bes?

Eto po si Ate Marcos loyalist nagpost ng pic ni VP Leni may kasamang lalaki daw.

Kung makapang lait si ate akala mo anghel yun pala fake news din.  Eto ang totoo. The guy in the picture is a make up artist. Gay po siya.

In fact marami po syang client na mga sikat na personality.

Hay naku nasanay sa peke. Mula sa diploma hanggang sa proganda pati sa mga trolls.

Habang ginagawa niyo ang paninira kay VP Leni, ang sagot ni VP Leni ay mas lalong magpursige sa pagtatrabaho sa pagtulong sa mga Pilipino.

Pakisabi sa amo niyo mga trolls, na kahit sa pelikula or sa real life, hindi nananalo ang kasamaan sa kabutihan. Mga peke!

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *