BBM, Hindi Naman Artista, Pero Mahilig sa Drama

Dear Bongbong Marcos,

Huwag nga po kayong dramatista, kasi hindi bagay. Kung sino sino ang sinisisi mo sa pagka delay ng protest, eh kayo naman ang kasalanan.

Una you filed a weak and flawed election protest that the Presidential Electoral Tribunal (PET) has to resolve many preliminary matters before the case could move on. Fishing expedition kayo eh.

Di ba ikaw ang nagsabi na sa PET to first resolve the issue of defective election system and your vaunted claim that you would be presenting voluminous documents and evidence to prove your case. Tapos ngayon sisihin mo kung sino sinong Poncio Pilato.

Almost one year after the first preliminary hearing, di ba you agreed to dismiss the issue on regularity of the automated election system and waived the presentation of your alleged voluminous evidence? Kasi nga imbento lang ang kaso mo at ilusyon lang ang protesta mo.

So yang mga presscon mo ay parang pre-empt mo lang yan kasi alam mong matatalo ka.

Dami mong kadramahan na sinasabi. Move on, move on din pag may time.

Daming kadramahan, hindi naman uubra.

Yamot sa Baskil na Ilusyunado,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *