Bayaning Guro Ng Samar: David Refuncion

Dear KaPAB,

Natandaan niyo noong pumunta ang Team Pilipinas sa Calbayog City? Yung namigay kami ng teacher’s kit para sa mga teacher na nagtuturo sa mga malalayong lugar.

Doon ko nakilala ang batang-batang guro na si David Refuncion.

 

 

Elementary teacher siya sa Mabini 1 Elementary School, isang lugar kung saan sobrang layo from the city.

 

Every two weeks lang si David bumababa sa siyudad para mamili ng supplies at dalawin ang pamilya niya.

Sa bawat pag akyat Ni David sa Mabini ginugugol  niya ay sampung oras. Bitbit niya ang mga supplies na pagkain sa pag akyat sa bundok.

Aakyat siya ng 7AM makakarating siya ng Mabini mga 6PM. Dalawang oras ang biyahe via motorbike or tinatawag na habal-habal.

15 minutes na bangka. At anim na oras na lakad paakyat ng bundok at pagbaybay sa ilog.

 


Pag malakas ang ulan malakas din ang agos ng ilog mas doble ang hirap sa paglalakad nila. After ilog, akyat naman ng bundok. Minsan sa pagod nagpapahinga sila Ng iba niyang kasamang mga guro din.

 

 

Multisection ang tinuturuan ni David. Grade 3-6. Ang sweldo ng isang guro ay 21 thousand. Binabawas pa dito ang ginagamit nilang supply sa pagtuturo. May mga ambagan pa pag may mga activities.

 

Para sa kabila ng kakarampot niyang sweldo naiisip pa din niyang bumili ng supplies para sa mga bata sa city para hindi na sila gumastos ng pamasahe at mahirapan pag baba. Binebenta niya ito ng walang tubo. Tulong niya na lang daw sa mga magulang.

Hanggang ngayon wala pa ang pinangako na pagtaas ng sweldo ng mga guro. Tinanong namin si David kung bakit sa kabila ng hirap sa pag akyat-baba ng bundok bakit niya pa din ginagawa ito. Sabi niya kawawa daw ang mga bata pag walang magtuturo at gusto niyang makatulong sa komunidad.

Tinanong ko siya kung may isang hiling siya para sa pagtuturo niya ano yun. Ang sagot niya ay lalong kumurot sa puso ko.

Ang gusto niya school supplies lang para sa mga estudyante. Hindi para sa sarili niya, inuna niya pa rin mga estudyante niya.

Ito ang kabayanihan. Mga buhay na bayani na dapat nating maapreciate at parangalan. Mga guro na humuhubog sa ating kinabukasan.

Maliit na tao pero may napakalaking puso. David Refuncion Ang “Little Giant”Ng Samar.

 

Humahanga Ng Lubos,

PAB

 

P.S. Kung gusto niyo pong tulungan si David at mga estudyante Niya nasa FB po siya puwede niyo pong imessage.

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *