Bayaning Guro Ng Samar: Adrian Benecario

Dear KaPAB,

Buhay ng isang bayaning guro na naman ang ikukuwento ko sa inyo. Eto si Adrian Benecario, 24 years old teacher from Samar. Nakilala namin siya noong namigay ang Team Pilipinas ng Teacher’s kit sa Calbayog City.

 

 

Gaya ni David yung unang teacher na sinulat ko, nagbabiyahe din sila ng 5-6 hours papunta sa school na tinuturuan nila.

 

 

Magbabalsa at tatawid sa ilog. Bitbit ang mga gamit at school supplies na binibili npara sa mga bata, gamit ang sariling pera.

Pag malakas ang ulan syempre malakas din ang agos minsan nahihirapan silang tumawid.

 

Akyat baba sa mga kabundukan para makarating sa mga estudyante nila.

 

Pag sobrang ulan maputik ang daan mas hirap ang kanilang paglalakbay. Pero sa kabila ng hirap tinitiis niya ito kasi mahal niya ang pagtuturo at mahal niya mga estudyante niya.

 

 

Naikuwento sa amin ni Adrian ang sitwasyon doon ng mga tao. Pumapasok ang mga bata na minsan walang kain at walang gamit sa eskwela. Kaya ang ginawa niya pag baba niya ng city humihingi siya ng tulong sa mga madre at isang bakery para mabigyan ng mga supplies ang mga bata.

Naikuwento sa amin ni Adrian na ang ibang bata doon supot ang bag. Yung tsinelas pigtal na,tinatahi na lang.  Siyempre uunahin ng mga magulang ang kumakalam na sikmura kaysa gamit sa paaralan.

Yung sweldo niya mahigit kumulang na P21,000.00. At ang tinuturuan niya ay Kinder, Grade 1 at Grade 2.

Tinanong ko sa kanya kung may hiling siya para sa sarili niya, ang sagot niya huwag na sa kanya, kahit tsinelas or bag na lang sa mga bata.

Adrian Benecario, isang guro na may napakalambot na puso. Isang bayani sa makabagong panahon.

 

Lubos Na Humahanga,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *