Bayanihan sa Bayan Ni Juan

Dear KaPAB,

Patuloy na dumadagsa ang dating ng tulong sa Kaya Natin. Ang kaagapay ni VP Leni sa pagtulong sa ating mamamayan.

Hindi kailangan ng emergency powers pero patuloy ang pagbigay ng Personal Protective Equipment sa ating mga frontliners na mga health workers.

Marami tayong naririnig na ang ating mga health workers ay pinapalayas ng mga landlady nila sa takot na baka mahawaan. Agad mag-isip ng tulong si VP Leni Robredo.

Mula sa Office of the Vice President:

[A] Dorm para sa #COVID19PH frontliners, binuksan na ng Tanggapan ni VP Leni at ng #AngatBuhay partners

Sa gitna ng mabigat na tungkulin at pangamba sa bawat araw ng pagdu-duty, ang ating mga frontliners ay humaharap rin sa ibang mga pagsubok, mula sa hirap na makapunta sa mga ospital at institusyon kung saan sila nagtatrabaho, hanggang sa diskriminasyon dahil sa kanilang propesyon.

Bilang tugon sa mga panawagang ating natanggap kaugnay niyan nitong mga nagdaang araw, binuksan ng ating Tanggapan, kasama ng ating Angat Buhay partners, ang isang libreng dormitory para sa ating mga frontliners sa Cubao, Quezon City.

Sa pagsisimula ng inisiyatibong ito, umaasa kami na makapagbigay ng kahit kaunting ginhawa para sa ating mga magigiting na frontliners na walang sawa sa paglilingkod sa ating mga kababayan.

Nagpapasalamat tayo sa ating mga partners, na ginagawang posible ang tulong na ito para sa ating mga kababayang nangunguna sa laban kontra COVID-19: kay Mr. Jay Ignacio, sa Rotary Club of San Juan del Monte, sa Spouses of Rotary Club of San Juan North, at sa Matrix Appliances PH.

Para sa ating frontliners na nais mag-avail ng serbisyong ito, ipadala lamang ang mga sumusunod na detalye sa [email protected] o sa 0998 591 7408 (Andrea):
* Buong pangalan
* Kasarian
* Designation
* Ospital / organisasyon kung saan nagtatrabaho
* Work shift
* Kasalukuyang home address
* Contact details

Dahil sa limitadong espasyo sa ating dorm, kaugnay na rin sa social distancing measures, first-come, first-served ang pagpoproseso natin ng mga request. Antabayanan lamang ang page na ito para sa mga updates.

 

Sa limitadong pondo na meron si VP Leni Robredo, nagagawa pa rin niya ang trabaho niya without asking for any special powers.

Kasi kung may political will, mabilis ang solution. Kung may political will hindi makupad.

Aanhin ang emergency power kung lagi namang tulog?

Yamot Sa Tamad at Corrupt,

PAB

 

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *