Ang Palusot ni Bato

Dear General Bato,

Buong Linggo yata puro kapalpakan ang mangyayari sa Departamento mo. Yung “yantok pulis” ng Mandaluyong, tapos ang disciplinary action na binigay mo ay itapon sa Marawi.

Akala mo siguro tanga na po talaga ang Pinoy no? Kahapon inunahan mo na ang eskandalo ng SAF. Sabi mo aalisin mo na lang ang SAF kasi di mabantayan ang drug lord kasi nililipat naman ng kulungan. Pinalabas mo sa amin na matino ang SAF at ang Bilibid management ang may diperensya.

Ngayon pumutok ang balita na may SAF Officer pala na nagnakaw ng pera at TV sa chapel ng Bilibid.

Imposibleng hindi mo to alam bago pa lumabas. Gumawa ka ng lusot sa kapalpakan ng mga tao mo. You are not a good leader.  Nilabas mo ang statement kahapon para ma precondition ang isip ng mga tao na malinis ang mga tauhan mo. Pati chapel talaga hindi pinatawad? Anong klaseng tauhan meron ka?  Nakakahiya.

Mula sa simula puro porma doon, interview dito ang ginagawa mo. Pero pagdating sa trabaho at pagmanage ng tao wala akong nakitang accomplishment mula sa yo.

Pakiusap po, magresign na lang po kayo. Mahiya kayo sa sarili niyo at sa taong bayan.  Malay niyo kunin kayong artista. Kung si Coco Martin ay “Ang Probinsyano ” baka po kunin kayo sa “Ang Payaso “. Patawa kasi kapalpakan niyo eh.

Galit sa mga Palpak na Kalbo,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *