Bato, Nauto?

Dear General Bato,

Balita ko may binabantayan kayo na anim na barko na may sakay na ralliyista?

Anak naman ng tokwa Sir, pati kayo nauto ng fake news eh.  Yung intelligence niyo galing dito?

Sayang ang intelligence funds niyo Sir. Sa facebook at fake news lang kayo kumukuha ng info.  Sir baka maniwala din kayo dito ha.

Tapos yung picture ay na gamit ay nung bagyo pala. Resibo.

Nakakahiya na mismong namumuno ng kapulisan ay naniniwala sa fake news.

Alam niyo po ba sabi ng lolo ko  isa sa mga dahilan sa paglagas ng buhok  pag nagpapaniwala sa fake news. Check niyo po si Secretary Aguirre.

Bawasan ang intelligence fund, tutal fake intelligence naman ang nakukuha niyo.

Yamot sa Kalbong Peke,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *