Bato, Konting Malasakit naman Diyan!

Dear General Bato,

Habang nagdadalamhati ang bayan sa pagkamatay ng mga sundalo at kapulisan eto talaga ang gagawin mo?

Habang ang iba mo pang kasamahan ay natrap pa sa gitna ng bakbakan, pasayaw sayaw at exercise ka lang?

Habang kanina niligtas ng mga military ang kasamahan mo, ikaw naman at nag zuzumba dito sa Manila?

Hindi ko sinasabi na mali ang ginagawa mo, pero por Diyos por Santo naman, hindi ito ang tamang oras para diyan!

Maawa ka naman sa mga tauhan mo. Sa tingin mo, nakaka high morale yan sa kanila ang ginagawa mo?  Once ka na nga lang nagbisita sa Marawi tapos ang highlight pa ng pagbisita mo ay ang boodle fight.

Tapos ngayon makikita ka nilang gumaganyan?

Hay naku, ibang iba ka talaga sa pinuno ng AFP na si General Año.

Konting malasakit naman diyan…

Naiirita,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *