Bato, Bato, Tse!

Dear General Bato,

Sa nangyaring kapalpakan ng mga tauhan mo sa Mandaluyong shootout, talagang may mga statement ka pa na wala sa hulog ha.

RESIBO 1

Saan ka ba nakakita ng isang pinuno na pinagmamalaki ang kapalpakan ng kanyang nasasakupan? Hindi ba dapat dinidisiplina ang mali? Dapat pinagsasabihan kung ano ang  dapat gawin? Kung bawat kapalpakan nila ipagmamalaki mo, ba baka ngayong 2018 hanggang ang pinuno ng PNP palpak lagi ang mga operation ng mga yan.

RESIBO 2

Luh siya, false equivalence po yan. Hindi mo po puwedeng majustify ang kapalpakan sa kabutihan ng puso. Ang palpak, palpak. May buhay na nawala at mga inosenteng nadamay.

RESIBO 3

Tapos ngayon pinalabas niyo na positive sa gun powder yung babaeng sugatan na namatay?  Eh yang paraffin test na yan hindi na reliable yan eh. Resibo.

At may jurisprudence o desisyon na ng korte yan. People vs. Abriol Resibo.

At saka matanong ko lang, bakit ang kuko mo ang sinusugal mo? Eh di ba pinuputol naman talaga yan? Hindi ka ba nagpuputol ng kuko? Ewww. Nagpapatawa ka ba? Kung gusto mo talagang hangaan ka ng tao, try mong isugal ang leeg mo. Baka sakaling pati ako bumilib sa yo.  Eto lahat na lang ginagawang joke time. Sana lang bago ka magbiro, ayusin mo muna hanay mo.

Iiyak, magdadrama. Tapos pag seryoso ang usapan gagawing katatawanan. Payasong palso ka eh.

Yamot sa Palpak,

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *