Bato, Bato, Tse!

Dear General Bato,

Tama lang na “bato” ang apelyido nyo, kasi wala kayong puso. Ang kapal ng apog niyo po para sabihin to. Resibo.

Move on? Wala kayong awa. Sa ina na nawalan ng anak, may walang hanggan ang kalungkutan. Sa mga magulang ng mga batang to, madidiktahan mo ba kung hanggang kailan sila puwedeng magdalamhati?

Sa mga batang naulila kaya mo bang sabihin na mag move on na, habang binebenta na ang katawan nila para mabuhay lang, kasi tinokhang niyo na ang magulang nila?

Akala ko pasko, magiging sensitive ang lahat ng tao sa nararamdaman ng bawat isa. Pero nagkamali ako. May sadyang makapal lang talaga ng mukhang gaya niyo po.

Magsesenador ka? Hindi karapat dapat sa posisyong yun. Wala kang puso!

Dapat hindi ka iboto ng taong bayan!

Yamot sa Kalbong Walang Puso,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *