Bam Aquino, Target Ng Mga Trolls

Dear KaPAB,

Dahil hindi na kayang siraan si VP Leni, si Senator Bam Aquino na naman ang pinagtutulungan ng trolls. Pinapamunuan ni Mocha “Fake News” Uson.

Luh, dinamay na naman si Former President Cory Aquino para siraan si Senator Bam. Una, fake news kasi hindi naman nakulong, pinawalang sala ng Court of Appeals si Mr. Beltran. Ang nagpakulong po kay Mr. Beltran ang mga Marcos. Resibo.

Wala namang masama sa sinabing ito ni Senator Bam di ba?

Ang Malacañang ang parang spoiled brat na bata pag pinupuna ang mali.

Pero syempre ang mga trolls kagaya nila Sasot at Thinking Pinoy si Senator Bam ang pinagtutulungan.

Pero hindi nila kayang mabastos ang mga bill ni Senator Bam na naisabatas at nakakatulong sa mga tao ngayon.

Mula sa Go Negosyo Act na kung saan maraming natulungan, papunta sa Free Internet Access in Public Places na maraming nakikinabang, hanggang sa Universal Access to Tertiary Education. 19 bills na naging batas para mapakinabangan ng taong bayan.

Bakit sinisiraan ng mga trolls ang isang Senator na seryosong gumagawa ng mga bills para mapagsilbihan ang bayan? Sabi ni Mocha, opinyon daw ng taong bayan ang pagdemonized ng kulay na dilawan.

Mula kampanya mga propagandista ang gumagawa ng pagdemonized ng dilaw na kulay.

Pilitin mang siraan ang pangalan ni Senator Bam, hindi matatabunan ang mga magagandang panukala na kanyang ginawa.

Free Tertiary Education na puwedeng magamit nang lahat, including Ms. Mocha. Di ba dapat magpasalamat sya kay Senator Bam?

Kahit ano pa gawin ng mga trolls na paninira, tinupad ni Senator Bam ang pinangako niya.

Yun ang mahalaga. Sa huli katotohanan pa din ang mananaig.

Patuloy na Nilalabanan ang Fake News,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *