Balikong Pananaw ni Mocha

Dear Mocha Uson,

Bakit napaka bayolente niyong mag-isip?

Pag magfile ng diplomatic protest giyera na agad? Pag ipaglaban ang karapatan natin sa teritoryo natin, giyera agad?

Bakit ang Indonesia pinaglaban nila ang karapatan nila sa pangunguna ng pinuno nila, may giyera bang nangyari?

Yung Vietnam, nagsalita na din, pero wala namang ginawa sa kanila ang China eh. May nabalitaan ka bang giyera?

Ang hirap sa yo, parang mas mahalaga pa sa yo ang China. Huy, tayo ang inaagawan ng teritoryo, pumalag ka naman. Parang sinasayawan mo pa sila habang ninakawan na tayo.

Walang masama kung pinaglalaban ng ibang tao ang karapatan natin sa teritoryo natin, kasi ikaw at ang poon mo ay mas pinipili pang kampihan ang mga sumasakop sa atin. Traydor ka eh.

Kahit kailan mana ka sa poon mo no? Baliko mag-isip.

Hindi mo na nga magawa ang trabaho mo ng tama, sumasawsaw ka pa sa mga bagay na limitado lang alam mo.

Ayusin mo trabaho mo muna, sayang ang 130k na pasweldo sa yo! Tse!

Yamot sa Traydor,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *