Bakit Tayo Umabot Sa Puntong Ganito?

Dear KaPAB,

Kahapon tumawid na sa 50k ang positive cases sa Covid19.

Mula sa simula nag suggest na ang mga tao ng mass testing at active contact tracing. Pero walang pinakinggan ang IATF. Ngayon na umabot na tayo sa puntong ito, ngayon palang magdedecide kung mag mass testing ba o hindi.

Delayed reaction lagi. Four months tayong nag-lockdown. Kung yung 4 months ginamit nila sa mass testing, sana nakaraos na tayo ngayon. I still remember yung time na sinabi ng pamahalaan na hindi tayo puwedeng mag-lockdown kasi baka ma-offend ang China.

Delayed din dumating ang ayuda galing sa pamahalaan at hindi din sapat. Ilang frontliners muna ang namatay bago nagpurchase ng PPE sa kanila. Naglakad muna ang mga tao bago, nag augment ng karagdagang transportation. Delayed na naman.

Sa bawat press briefing laging delayed. Sinong matinong presidente ang magpress briefing na madaling araw? At kung ano-ano ang sinasabi na hindi naman related sa Covid19.

Sobrang reactive ng gobyernong ito. Nakakaawa ang mga Pilipino.

Haist

Yamot Sa Mga Incompetent,

PAB