Bakit Sila nasa Marawi?

Dear General Bato,

Hindi ko po alam kung paano niyo pinapalakad ang opisina niyo.  Pero I think there is really something wrong. Nung nainvolve ang mga pulis sa Tokhang for ransom sa isang Koreano, pinapush up niyo lang sila. Umuusad pa ba ang kaso nun?

Tapos ngayon naman itong dalawang abusadong pulis na involved sa pulis brutality sa Mandaluyong ang disciplinary action niyo, ipadala sa Marawi.

Hindi ba dapat masuspendi sila muna at dumaan sa isang psychiatric evaluation bago isabak muli  sa trabaho?

At saka what you have against Mindanao?  Bakit ginagawa mo silang tapunan sa mga iskalawag mong pulis? Sa nangyari sa Marawi dapat nga the best and the finest sa hanay mo ang ipadala mo eh. Instead yung mga pasaway ang tinapon mo. Baka dagdag problema lang yan dun.

Mindanao is under Martial Law, tapos dun mo itatapon ang pulis mong may kaso ng police brutality? E di wow!  Mag isip naman po kayo, buhay ng mga kapatid namin sa Mindanao ang pinag uusapan dito.

Wag puro epal lang sa Camera ang gawin, hindi naman kayo artista eh.

Irita sa mga Epal,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *