Bakit Si Senator Bam Aquino?

Dear Ka-PAB,

Minsan ko na tong nasabi sa inyo kung bakit mahalaga ang election sa 2019. Bago maging batas ang isang panukala kailangan makakuha sila ng ng 2/3 votes sa Senado. Kung puro tuta ng presidente ang mga senador, kahit mga batas na maaaring mapasama ang bansa ay pinirmahan ng mga to gaya ng TRAIN. Tingnan niyo po kung gaano ang pahirap na ginagawa sa atin ng TRAIN. So kailangan natin pumili ng tamang tao sa Senado.

BAKIT SI SENATOR BAM AQUINO?

Sobrang paninirang ginagawa ng mga DDS kay Bam Aquino. Mula sa pagiging credit grabber, tapos tinawag pa nilang bakla daw si Senator Bam.  Fake news na lang ginagawa ng mga trolls kasi di naman maikakaila na 19 bills ang naisabatas niya sa loob ng panunungkulan niya sa Senado.

Kahit sinisiraan patuloy siyang nagtatrabaho, hindi sumakay sa legacy ng mga Aquino, bagkus gumawa siya ng sariling legacy. Gumawa ng mga bill na makakatulong sa mga Pilipino. Nakasentro sa tatlo ang paninilbihan ni Senator Bam Aquino.

NEGOSYO

Sinusuportahan niya ang mga maliliit na negosyo sa pamamagitan ng GoNegosyo Act. Isang batas na nagpoprotekta sa mga negosyante. Alam ni Senator Bam na pag madaming investor, mas maraming trabaho na makakatulong sa Pilipino.

 

TRABAHO

Eto ang isa sa pinag tutuunan niya ng pansin. Gusto niya sana na matapos na din ang endo kasi nga naman kawawa talaga ang manggagawang Pilipino. Sinusuportahan niya din ang mga activity tulad ng Schools to job matching at at job matching.

EDUKASYON

Pilit sinasabi na credit grabber daw si Senator Bam dahil sa RA 10931 or Free College Tuition Law. Hayaan niyo pong ipaliwanag ko. Sa sistema ng ating pamahalaan, bago po magkaroon ng batas, kailangan gumawa muna ng bill. Yung free college tuition law ay isa sa mga bill na ginawa at pinasa ni Senator Bam. Nakipagdebate siya every hearing para lang maipasa ito. Siya din ang naghanap ng budget kung saan puwedeng kumuha dito. After ng deliberation sa Congress pinasa sa Presidente para pinirmahan niya. Kudos kay President Duterte at pinirmahan niya. Kung binibigyan man ng credit si Senator Bam, kasi nga wala namang pipirmahan ang presidente kung walang ginawa ng bill si Senator Bam Aquino. Therefore, hindi po siya credit grabber. Fake news po iyon. Dahil sa bill na ginawa ni Senator Bam na pinirmahan ng presidente kaya po libre ang pag-aral ng college ngayon

NAKAW LOAD

Kamakailang gumawa si Senator Bam ng paraan para matigil ang nakaw na load ng mga Telco.  Nagpatawag siya ng hearing kasama ang mga representative ng Smart at Globe.  Kaya ngayon hindi na tayo ninakawan ng load para sa ring tone at kung ano-ano pang games. Simple ng paraan, pero mabilis na results.  Yan po ang pilit na sinisiraan ng mga DDS.

TRAIN LAW

Sa una palang hindi sinuportahan ni Senator Bam ang TRAIN law kasi nga alam niya na mahihirapan ang taong bayan. Pero dahil nga majority ang mga sipsip sa admin pinirmahan nila. Madaming umamin na hindi nila nabasa ang batas pero pinirmahan pa din.

Ngayon patuloy pa din kinakalampag ni Senator Bam ang kinauukulan na wag ng ipatupad ang excise tax ng langis kasi sobrang taas na ng bilihin. Eto ba ang sinasabi nilang walang malasakit? Pilit nilang tinatapakan ang pagkatao ni Senator Bam, pero ang mga bill niya na naisabatas ang siyang nakakatulong sa maraming Pilipino.

Kung gusto natin ng matinong senador, karapatdapat lang na ibalik si Senator Bam Aquino sa senado ngayong 2019.

Proud Supporter,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *