Bakit Si Pilo Hilbay?

Dear KaPAB,

This is my own version of #Bak8tList. Mga dahilan kung bakit kailangan iboto ang mga taong to.

Unahin ko na muna si Pilo. Una kong nakilala si Pilo noong 2017. Naging kaibigan ko sila nila Agot.

Siya ang nag offer na tumulong sa akin sa kaso ko kay Thinking Pinoy at Sass.

Naikwento niya sa akin, kung paano nagsikap ang mga magulang niya para mapag-aral silang magkakapatid,

 

 

kung paano na kailangan niyang pigilan kumuha ng dagdag na ulam kasi eksakto lang na tag iisa sa kanilang magkakapatid, kung paano kailangan niyang magbenta ng kung ano-ano para lang may pambaon siya at makatulong sa Nanay niya na nagtatrabaho bilang katulong noon.

 

 

Ang kuwento ni Pilo ay kuwento ng ordinaryong Pilipino. Kuwento ng isang tao na nangarap ng imposible at narating ang imposible.

Hindi madali ang law school lalo na kung working student ka. Pero nag top 1 pa din siya sa Bar sa kabila ng kahirapan.

Bilang top 1, puwedeng pumili si Pilo ng magandang trabaho sa mga prestigious law firm kung saan malaki ang sweldo. Pero hindi niya ginawa. Instead, nagturo siya sa UP para maibahagi ang kanyang kaalaman sa ibang tao.

 

Nagsilbi sa bayan bilang Solicitor General at pinagtatanggol ang West Philippines Sea kung saan tayo ay nanalo.

Kung napapansin niyo walang TV Ads si Pilo. Limitado kasi ang pondo na meron siya. Kaya mas gusto niya na pumunta sa grounds at kausapin na lang ang mga tao.

 

 

Panahon na para magkaroon tayo ng isang katulad ni Pilo sa Senado. Isang kandidatong matalino, tapat sa konstitusyon at may pusong makabayan.

Mga KaPAB at kapwa ko Pilipino, magtulong-tulong tayo sa Mayo 13 at dalhin natin si Pilo sa Senado.

 

Isang Supporter,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *