Bakit Si Mar Roxas?

Dear KaPAB,

Pangalawang #Bak8List ko.

Alam naman natin na galing si Mar Roxas sa may kayang pamilya. Nagtapos siya sa Wharton.

 

 

Napakadali sana para sa kanya ang pamahalaan ang negosyo nila at mamuhay ng tahimik. Pero mas pinili niyang pagsilbihan ang bayan. Nagsilbi sa tatlong administrasyon. Naging “Mr. Palengke” sa ating lahat lahat.

 

Gumawa ng panukala para sa proteksyon ng mahihirap at kapus palad.

 

 

Naging “Mr. Trabaho” siya sa karamihan. Marahil dahil siya pagpupursigi niyang makapasok ang BPO sa bansa na ngayon nagbibigay ng trabaho sa nakakarami.

 

 

Paulit-ulit na sinira siya ng fake news dahil sa Yolanda, pero sa huli ang katotohanan pa din ang nanaig.

 

 

Paulit-ulit na sinira ng fake news ang pagkatao, pero sa bawat panlalait, bumabangon at nagtatrabaho pa din para sa bayan.

Ngayon may nabigyan tayo ng pangalawang pagkakataon na ilagay siya sa katungkulan. Sana huwag na nating sayangin.

Mar Roxas, isang mabuting kapatid.

 

Isang ulirang ama at mapagmahal na asawa.

 

 

Isang Pilipino, na sa kabila ng kabiguan at paninira ay hindi sinukuan ang bayan.

 

Sama-sama tayong ibalik siya sa Senado para sa bayan at para sa kinabukasan.

#MarRoxas57

 

Isang Supporter,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *