Bakit Si Gary Alejano?

Dear KaPAB,

Eto ang pangatlo sa #Bak8tList ko.

Si Gary Alejano ay tubong Bacolod. Isang magaling na sundalo. Galing sa payak na pamumuhay. Bata pa lang si Gary, alam alam niya na gusto niyang magsilbi sa bayan.

 

Pinag-aral siya sa Cebu at gaya ng ordinaryong Pilipino nakakaranas din ng kagipitan sa pang araw-araw na pamumuhay.

 

Pero dahil ang puso ay nasa pagsisilbi sa bayan talaga, hindi kinalimutan ang pagsusundalo. Pumasok sa PMA at pagkatapos ng 4 na taon naging nakapagtapos at naging sundalo ng Marine corps.

 

Lumaban sa corruption sa panahon kung saan butas butas ang sapatos ng mga sundalo habang nagpapakasasa sa pera ng bayan ang mga nasa katungkulan.

Kahit nakulong hindi sinukuan ang bayan. Nagsilbi as partylist representative.

 

Naglingkod ng tama. Pinaglaban ang karapatan natin laban sa China.

Walang bahid na corruption, hindi magnanakaw pero ang pinaka importante sa lahat, mahal niya ang bayan.

Ang boto mo kay Alejano ay boto mo para sa kinabukasan mo.

Isang Supporter,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *