Bakit Si Atty. Chel Diokno?

Dear KaPAB,

Sabi ko sa inyo dati, ipapakilala ko sa inyo ang bawat isang kandidato. So far ang laging nafefeature ko dito sa PAB ay si Senator Bam Aquino at si Atty. Florin “Pilo” Hilbay.  Ngayon hayaan niyo namang ipakilala ko sa inyo ang isang kandidato na sobra kong hinangaan. Si Atty. Chel Diokno.

 

 

Isang Human Rights lawyer. Nabigyan ako ng pagkakataon na makausap siya last week. Nalaman ko na sa murang dead na 15 years old, malawak na ang kanyang kaalaman sa batas, kasi sinasama na pala siya ng ng Tatay niya sa mga hearing. Given na yun, na magaling talaga siyang abogado pero mas nakakatuwang isipin na nasa tamang lugar ang puso niya. Siya ang Chairperson ng FLAG (Free Legal Assistance Group).

 

 

“Sa panahon ng diktaduryang Marcos, binuo ang Free Legal Assistance Group upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng Batas Militar. Isa sa mga nagtatag nito ay ang dating senador na si Jose “Pepe” Diokno. Tulad ng kanyang mga kasamahan, personal na pinagtanggol ni Pepe sa korte ang mga mamamayang nakaranas ng pang-aabuso mula sa militar at kapulisan.

Hanggang ngayon, tinataguyod ng FLAG ang mga karapatang pantao ng sambayanang Pilipino. Ang sinimulan ni Pepe ay pinagpatuloy na ng kanyang anak na si Chel Diokno. Siya na ang chairperson ng grupo, at tulad ng kanyang ama, ay isa ring human rights lawyer na buong tapang na pinaglalaban ang mga walang kalaban-laban. Naniniwala siya na hindi maaaring ipaghiwalay ang karapatan at katarungan.”

 

 

Sa galing ni Atty. Chel Diokno, kung pinili niyang magtrabaho bilang corporate lawyer, for sure kikita siya ng limpak-limpak na salapi. Pero mas pinili niyang pagsilbihan ang mga mahihirap at mga inaapi.

Tinanong ko siya kung bakit nagdesisyon siyang tumakbo? Eto ang naging sagot niya.

”Yung mga nangyayari ngayon sa ating Saligang Batas sa rehimeng Duterte,  ito ay isa sa mga nagtulak sa aking tumakbo. Nakikita ko kung paano gumuguho ang pundasyon ng demokrasya, at hindi ko kaya na umupo na lang at walang gagawin.”

Walang milyones ang kandidato na ito para gumastos sa kampanya. Pero sa kanyang kaalaman at kabutihan ng loob bilang abogado, hindi lugi ang taong bayan kung tumaya tayo sa kanya. Sigurado tayo na pag naipasok natin siya sa Senado,  ang karapatan natin ang kanyang magiging priority sa paggawa ng batas. Mabibigyan niya ng boses ang mga taong natatakot magsalita kahit tinatapak tapakan na ang kanilang karapatan.

 

 

Kung gusto mo ng pagbabago, pagtulungan natin ihatid si Atty. Chel Diokno sa Senado. Para sa Karapatang Pantao, Para sa Pilipino at Para sa Kinabukasan Mo, Diokno sa Senado.

 

Bagong Supporter ni Diokno,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *